Monday, March 19, 2007

Monday's blue, Tuesday's gray


An open letter to a higher being:

Basta lumampas lang ako ng Martes ng linggong ito na buhay pa ko't kumpleto pa ang mga galamay ko (lalung-lalo na yung mga kulubot sa utak ko), masayang-masaya na 'ko. Salamat.

Ay, teka.

Tatanggapin ko rin naman kung hahayaan niyong dumaan ang natitirang dalawang linggong ito na hindi ako tumatakbong hubo't hubad sa mga pasilyo ng punyetang eskuwelahan kong ito.

Kahit ano sa dalawa, okey lang.

Labs,
Sashing.